Mga estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa
Hindi na lingid sa kaalaman ng iba na ang bansang Pilipinas ay isang 3rd world country lamang. Ito ay isang maliit na bansa at hindi rin ganoon karami ang mga mamamayan dito kumpara sa ibang mga malalaking bansa. Hindi man ito singlaki at sing-unlad ng mga bigatin at nangungunanng bansa tulad ng Amerika, Japan, China, and Pilipinas ay nagpupursige paring umunlad at makilala sa buong mundo.
Estratihiyang makatutulong sa pag-unlad:
Anu-anong mga estratihiya nga ba ang dapat gawin ng mga mamamayan at ng gobyerno upang mas mapa-unlad pa ang bansang Pilipinas? Narito ang ilan:
Pagkakaisa ng mga Pilipino - ang isang bansa, kinakailangan ng pagkakaisa ng mga mamamayan nito upang ito ay umunlad. Tulad ng bansang Japan, ang mga Hapon ay matatag sa kanilang paninindigan na pangalagaan ang kapwa nila Hapon. Sila ay may pagkakaisa at talaga namang nagtutulungan kaya ang bansang Japan ay isang maunlad na bansa. Ang mga Pilipino rin ay dapat magka-isa at magkaroon ng iisang layunin - ang pangalagaan at pa-unlarin ang bansang Pilipinas.
Pagtatangkilik sa sariling atin - isa ito sa mga sikreto tungo sa pag-unlad. Ang pagsuporta, pagbili, at pagtangklik sa mga gawa o produkto ng bansa ay isang malaking hakbang upang mas mapa-unlad pa ito. Ang pagbili ng mga gawa sa Pilipinas ay makatutulong upang mapalaki pa ang kita ng ating mga lokal na manggagawa. Hindi masamang mahalin ang gawa ng mga dayuhan, ngunit hindi rin naman masamang mas mahalin ang sariling atin.
Pamimili ng tamang mamumuno - ang pag-unlad ng bansa ay hindi lamang nakaasa sa mga mamamayan nito kundi pati narin sa gobyerno. Ang gobryerno ang may kapangyarihang mag-atas ng batas at magpatupad ng mga panukala upang mas mapaigting pa ang pag-unlad ng bayan. Ngunit walang mamumuno kung walang boboto. Ang kaayusan ng mga mambabatas ay nakadepende parin sa desisyon ng masa o ng taongbayan. Ang pagpili ng wasto at mabusisi ay may naghihintay na magandang kapalit hindi lamang sa bawat pamilya kundi sa buong kapakanan ng Pilipinas.
Kung nais mo pa ng karagdagang basahin o impormasyon, maaari mong i-click ang mga link/s na ito upang direkta kang ihatid doon:
Answers & Comments
Verified answer
Mga estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa
Hindi na lingid sa kaalaman ng iba na ang bansang Pilipinas ay isang 3rd world country lamang. Ito ay isang maliit na bansa at hindi rin ganoon karami ang mga mamamayan dito kumpara sa ibang mga malalaking bansa. Hindi man ito singlaki at sing-unlad ng mga bigatin at nangungunanng bansa tulad ng Amerika, Japan, China, and Pilipinas ay nagpupursige paring umunlad at makilala sa buong mundo.
Estratihiyang makatutulong sa pag-unlad:
Anu-anong mga estratihiya nga ba ang dapat gawin ng mga mamamayan at ng gobyerno upang mas mapa-unlad pa ang bansang Pilipinas? Narito ang ilan:
Kung nais mo pa ng karagdagang basahin o impormasyon, maaari mong i-click ang mga link/s na ito upang direkta kang ihatid doon:
Pag-unlad ng bayan at pag-unlad ng sarili
brainly.ph/question/171055
brainly.ph/question/177744