Narito ang 20 na halimbawa ng mga salitang nagtatapos sa “an”:
Batalan
Lutuan
Kainan
Sasakyan
Paaralan
Aklatan
Basahan
Sabsaban
Bayanihan
Simbahan
Samahan
Kwentuhan
Palakasan
Piitan
Paliparan
Languyan
Inuman
Taguan
Sulatan
Laruan
Explanation:
Ang salitang batalan ay tumutukoy sa bahagi ng bahay kung saan isinasagawa ang paglilinis ng mga pagkain, patuyuan ng mga palayok at mga plato, at pinaglalagyan ng inipon nga tubig. Malapit ito sa isa ikalawang halimbawa, ang lutuan (kitchen) na pinaglulutuan ng mga pagkain. Marami sa lumang kabahayan ng mga Pilipino ang dating may batalan at lutuan na kung tawagin ay abuhan na ginagamitan ng kahoy o uling.
Ang kainan naman ay ang nagsisilbi bilang “dining area”, at bagamat hindi kasing de klase ng modernong bersyon nito, sapat na ito sa maraming kabahayan sa mg lalawigan.
Ang kahulugan ng salitang sasakyan ay ang ano mang bagay na may kakayahang magdala ng kagamitan, tao, hayop o halaman mula sa sinimulan na lugar patungo sa nais puntahan.
Ilang Halimbawa ng mga bagay na maaing tawagin na sasakyan:
Kalabaw
Kabayo
Kotse (car)
Banka (boat)
Tren (train)
Karaniwang matatagpuan ang aklatan(library) sa loob ng isang paaralan (school) bagamat mayroon rin namang ibang kabahayan na nakapagpalagay nito. Ang aklatan ang lugar kung saan nakalagay ang maraming aklat na maaaring hiramin at iuwi ng sino mang mayroon library card kung kinakailangan.
Ang basahan ay kapirasong tela na ginagamit na pinampupunas sa iba’t ibang bagay upang maging malinis ito. Ang mga lumang damit ay karaniwang ginagawang basahan.
Ang sabsaban o “barn” sa wikang Ingles ay isang istruktura na ginawa upang maging tirahan ng mga alagang hayop gaya ng kalabaw, kabayo, at baka.
Angsalitangbayanihanay ang dating kaugalian ng mga Pilipino na malawakang pagtutulungan ng walang hinihintay na kapalit. Binubuo ito ng mga nasa komunidad na gumawa ng samahan upang makatulong sa isang kakilala na nangangailangan.
Ang simbahan ay ang tinatawag na church sa wikang Ingles. Ang simbahan ay lugar na pinupuntahan ng marami deboto upang sumamba.
Ang salitang kwentuhan naman ay maaring tawagin sa Ingles na “story telling”, bagamat higit na akma ang tawagin itong “casual conversation” sa kasalukuyang panahon.
Ang palakasan ay ang pagtatagisan ng higit sa isang indibiduwal (tao man o hayop at maging makina). Maaari itong tawaging contest o competition sa wikang Ingles.
Ang piitan o “jail” ay lugar kung saan ikinukulong ang taong may mabigat na kasalanan sa batas.
Ang tinutukoy ng salitang paliparan ay ang “airport” sa wikang Ingles. Dito bumababa (landing) at nagsisimulang lumipad (take off) ang mga sasakyang panghimpapawid.
Ang languyan ay ang alin mang katawang tubig na maaaring lumangoy (swim), tao man o hayop.
Halimbawa ng languyan:
Dagat
Ilog
Sapa
Swimming pool
Palanggana (para sa maliit na alagang hayop)
Ang inuman naman ay kung saan pumupunta ang ano mang nauuhaw. Ang drinking fountain ay ang inuman ng mga nasa paaralan, ang ilog naman ang kinikuhanan ng tubig ng mga hayop. Ang isang baso ay maaari din tawagin na inuman.
Sa mga Pilipino, ang salitang taguan ay maaaring gamitin bilang pangalan ng isang laro na sa Ingles ay kilala bilang “hide and seek”. Taguan din ang tawag sa isang sulok o lugar na lihim sa iba.
Ang sulatan ay ang alin mang bagay na maaaring sulatan (something to write on). Papel, notebook, aklat (workbook) at maging pader kung pinapahintulutan gaya ng ibang kainan (restaurant).
Ang laruan ay ang kilala sa wikang Ingles bilang “playground” o “toy”. Ito ay lugar na kung saan malayang nakakapaglaro ang mga bata. Ito ay madalas makita sa mga plaza, park at paaralan ng mga bata sa elementarya. Ang laruan ay maaari isang uri ng kagamitan na pinaglalaruan ng mga bata.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
20 na salitang nagtatapos sa “an”
Narito ang 20 na halimbawa ng mga salitang nagtatapos sa “an”:
Explanation:
Ang salitang batalan ay tumutukoy sa bahagi ng bahay kung saan isinasagawa ang paglilinis ng mga pagkain, patuyuan ng mga palayok at mga plato, at pinaglalagyan ng inipon nga tubig. Malapit ito sa isa ikalawang halimbawa, ang lutuan (kitchen) na pinaglulutuan ng mga pagkain. Marami sa lumang kabahayan ng mga Pilipino ang dating may batalan at lutuan na kung tawagin ay abuhan na ginagamitan ng kahoy o uling.
Ang kainan naman ay ang nagsisilbi bilang “dining area”, at bagamat hindi kasing de klase ng modernong bersyon nito, sapat na ito sa maraming kabahayan sa mg lalawigan.
Ang kahulugan ng salitang sasakyan ay ang ano mang bagay na may kakayahang magdala ng kagamitan, tao, hayop o halaman mula sa sinimulan na lugar patungo sa nais puntahan.
Ilang Halimbawa ng mga bagay na maaing tawagin na sasakyan:
Karaniwang matatagpuan ang aklatan (library) sa loob ng isang paaralan (school) bagamat mayroon rin namang ibang kabahayan na nakapagpalagay nito. Ang aklatan ang lugar kung saan nakalagay ang maraming aklat na maaaring hiramin at iuwi ng sino mang mayroon library card kung kinakailangan.
Ang basahan ay kapirasong tela na ginagamit na pinampupunas sa iba’t ibang bagay upang maging malinis ito. Ang mga lumang damit ay karaniwang ginagawang basahan.
Ang sabsaban o “barn” sa wikang Ingles ay isang istruktura na ginawa upang maging tirahan ng mga alagang hayop gaya ng kalabaw, kabayo, at baka.
Ang salitang bayanihan ay ang dating kaugalian ng mga Pilipino na malawakang pagtutulungan ng walang hinihintay na kapalit. Binubuo ito ng mga nasa komunidad na gumawa ng samahan upang makatulong sa isang kakilala na nangangailangan.
Ang simbahan ay ang tinatawag na church sa wikang Ingles. Ang simbahan ay lugar na pinupuntahan ng marami deboto upang sumamba.
Ang salitang kwentuhan naman ay maaring tawagin sa Ingles na “story telling”, bagamat higit na akma ang tawagin itong “casual conversation” sa kasalukuyang panahon.
Ang palakasan ay ang pagtatagisan ng higit sa isang indibiduwal (tao man o hayop at maging makina). Maaari itong tawaging contest o competition sa wikang Ingles.
Ang piitan o “jail” ay lugar kung saan ikinukulong ang taong may mabigat na kasalanan sa batas.
Ang tinutukoy ng salitang paliparan ay ang “airport” sa wikang Ingles. Dito bumababa (landing) at nagsisimulang lumipad (take off) ang mga sasakyang panghimpapawid.
Ang languyan ay ang alin mang katawang tubig na maaaring lumangoy (swim), tao man o hayop.
Halimbawa ng languyan:
Ang inuman naman ay kung saan pumupunta ang ano mang nauuhaw. Ang drinking fountain ay ang inuman ng mga nasa paaralan, ang ilog naman ang kinikuhanan ng tubig ng mga hayop. Ang isang baso ay maaari din tawagin na inuman.
Sa mga Pilipino, ang salitang taguan ay maaaring gamitin bilang pangalan ng isang laro na sa Ingles ay kilala bilang “hide and seek”. Taguan din ang tawag sa isang sulok o lugar na lihim sa iba.
Ang sulatan ay ang alin mang bagay na maaaring sulatan (something to write on). Papel, notebook, aklat (workbook) at maging pader kung pinapahintulutan gaya ng ibang kainan (restaurant).
Ang laruan ay ang kilala sa wikang Ingles bilang “playground” o “toy”. Ito ay lugar na kung saan malayang nakakapaglaro ang mga bata. Ito ay madalas makita sa mga plaza, park at paaralan ng mga bata sa elementarya. Ang laruan ay maaari isang uri ng kagamitan na pinaglalaruan ng mga bata.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod brainly.ph/question/2117469
Ano ang kahulugan ng sumusulpot? brainly.ph/question/1298946
Magbigay ng 20 halimbawa ng lansakan, patangi…. brainly.ph/question/591324